WHAT DAY IS IT?
Tuesday.. ah, hindi.. Wednesday na pala. Past 12 na e.
AND IN WHAT MONTH?
November na ba? Over naman, October pa rin.
THIS CLOCK NEVER SEEMED SO ALIVE.
6 pm tayo umalis 'di ba? Bakit 12 midnight na nasa bus pa tayo?
I CAN'T KEEP UP, AND I CAN'T BACK DOWN...
Tingnan mo 'yung mga sign o.
1. Bawal PUMARK dito. ('di ba dapat mag-park?)
2. We also RENT costumes for all occasion. ('di ba dapat sila 'yung nagpapaarkila? saka dapat may s 'yung occasion?)
3. RSMJ eatery (try mong sabihin nang paulit-ulit. RSMJ, RSMJ, RSMJ. potek, sasabihin mo bang, "kain tayo sa RSMJ", o kaya "sa RSMJ ko nabili 'yan, oo, 'yung RSMJ eatery" pinilit lang 'yung pangalan e.)
Bakit hindi umaandar 'yung bus?
Sige, gagawa na lang ako ng math project. Sa bus.
I'VE BEEN LOSING SO MUCH TIME.
6 pm kami umalis kina Munik. Dapat wala pang isang oras ang biyahe namin pero dahil sa malakas na pag-ulan, parang may pila ng NFA rice sa Blumentritt.
Bili muna tayo ng egg pie.
So 7 pm nag-LRT kami. Parang pila naman sa canteen.
Pagbaba ng R. Papa, walang pila. Sino ba naman ang pipila para magswimming sa waist-high na baha?
So punta ng Monumento. Daming tao, as usual. Tapos may pila sa sakayan ng jeep, parang pila sa NBI.
So lakad. Sa sakayan ng isa pang jeep, parang CAT ng limang section, sabay-sabay. Ang sergeant-- 'yung dispatcher.
So lakad sa hintayan ng bus. Kahit may sign that says BAWAL TUMAWID DITO
*sign of the cross* tumawid na kami in desparation. So nakasakay. 9 pm.
Hindi pa pala tapos ang lahat. Grabe 'yung kalsada. Hanggang sa maaabot ng malabo kong mata, may bus o trak, o private vehicle na nagsisiksikan sa bahang daanan. Kaya gumagalaw 'yung bus every ten minutes.
12 na nasa bus pa rin kami. Grabe, ang biyahe na 45 minutes lang dapat, naging six hours mahigit.
CAUSE IT'S YOU AND ME, AND ALL OF THE PEOPLE WITH NOTHING TO DO, NOTHING TO LOSE.
Haha. High school students, wala pa sa bahay ng hatinggabi.
Akala tuloy ng mga taong walang magawa, naggala lang kami.
Pero ang katotohanan ay gumawa kami ng project!
Grabe, life is so unfair.
2 O'CLOCK ako nakauwi. Di pa man kumakain ng dinner, bagsak na sa kama. PAGOD. TULOG.
zzzz.