Alam mo ba 'yung
Precious Hearts Romance?
Iyan na raw ang pinakamatinong publisher ng pocketbooks sa Pilipinas. Ayon 'yan sa isa kong kaibigan (pinili kong huwag na lang siyang pangalanan). Sabi rin niya, bagay raw ang mga sinusulat ko para sa publishing house na ito.
GRABE!!!
Medyo nagwala ako nang marining ko ito. Ilang oras akong tila tulala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget over.
Nang magsimula kasi akong magsulat ng mga Filipino stories, 'yun din ang una kong napansin. Sinabi kong titigilan ko na ang pagsusulat gamit ang wikang Tagalog dahil nagmumukhang Filipino Romance novel (a.k.a. pocketbook). Pero hindi naman ako super galing sa English kaya nauwi rin ako sa dating gawi. Ganunman, sinikap kong ibahin ang style of writing para hindi magaya sa mga pocketbook na inaarkila for 5 pesos.
Hindi ko naman iniinsulto ang mga manunulat ng romance novels, lalo na ang mga manunulat ng
Precious Hearts Romance. Ang punto ko lang, hindi ito ang pinapangarap ko sa buhay. Ang pangarap ko'y makita ang mga sinulat ko sa hiwalay na istante sa bookstore-- bilang ilan sa mga pinakamahuhusay na akda. Pangarap kong basahin ng mga kapwa ko kabataan ang mga sinusulat ko, hindi lamang para sila'y matuwa, kundi para makibahagi sa kanilang mga karanasan.Sabi sa isang pelikula ("The Shortcut to Happiness"), hindi ko matandaan. Basta, it was something like, "Writing as a hobby is very different from writing as a profession." Hindi ko talaga feel ang Filipino romance novels, pero kung trabaho lang talaga 'yun, maiintindihan ko ang mga manunulat sa likod nito.
Sa huli, choice pa rin naman 'yan 'di ba? Kung trabaho mong magsulat, e 'di magsulat ka na parang hobby mo na rin ito. Pero kung may partikular na hinihingi ang trabaho, gawin mo, dahil mahirap na ang buhay sa mundo.
Ako, magsusulat lang ako kung anong gusto ko. Sa ngayon. Pero malay natin, pagdating ng panahon ay kailangan ko na ring sumunod sa guidelines at magsulat hanggang sa deadline. Baka maintindihan ko na rin ang writers ng
Precious Hearts Romance.