Oh, yeah. Sorry I can't entertain you at the moment.
I knew you'd visit, though, so I posted something.
Just click on the words to navigate.
Thanks. Maybe you can come back when I'm awake.
Tuesday, April 8, 2008
I wrote this story about a year ago, after I went to Baguio with my aunt and her family. It was Holy week then, and it was my first time to get there. For me, taking a vacation means writing. However, this one took me quite a long time to finish. I don’t know. Maybe I was just a bit affected by the way this song affected the people around me. I heard it almost everyday a year back. It was kind of funny, and I actually laugh whenever I hear it on the radio.
Anyway, I know it’s kind of corny, but to those who were moved by the song, this is for you. :]]
***
HOW SOON IS SOMEDAY?
As the song goes, “Someday, someone’s gonna take your place…”
Someday. Pagdating ng panahon. Minsan sa hinaharap. Balang araw.
Gaano katagal akong maghihintay?
***
Summer vacation na. Panahon para magrelax. Walang homework o projects. Yehey Mataas ang sikat ng araw. Perfect para magswimming or kumain ng chocolate ice cream. Hindi ko alam kung bakit isang tasa ng kape ang hawak ko. Ang sama nga ng tingin ng waiter kanina nang umorder ako. Naramdaman ko ang pawis sa aking pisngi. Pinunasan ko ito gamit ang aking panyo sabay inom ng kape. “Hindi pa ba sapat ang init ng summer para magising ka?” tanong ng taong kanina ko pa hinihintay. Kinuha niya ang upuan sa harap ko at umupo. “Kasalanan bang uminom ng kape, Joyce?” tanong ko naman. “Oo, lalo na ot one in the afternoon on a hot summer day.” Bestfriend ko na si Joyce since high school. Parang magkapatid na ang turing namin sa isa’t isa. Sa totoo lang, malayung-malayo ang mga personality namin kaya nakapagtataka rin kung minsan. Ang eleven years naming pagsasama ang nagpapatunay na posible ang ganoon. “Ano ba ang problema?” “Break na kami ni Victor.” Mabilis kong sagot. Mahirap sabihin. “Dina, seryoso ka?” “Yep.” “Why? You’ve been together for two years. Parang napakabigat ng rason.” “He said he had fallen out of love.” Ouch. “What?” Nagulat talaga siya. “Naniwala ka naman agad.” “Duh, kaya nga break na kami.” “Fine.” Parang naubusan na siya ng salita. “Kainis ‘di ba? Manililigaw sila tapos makikipagbreak din. It doesn’t make any sense.” “Right.” Naalala ko pa noong nanliligaw pa lang si Victor. For six months, binigyan niya ako ng white roses. Seven times a week. Masaya nga ang parents ko sa kaniya. Mabait, matalino, at model ng isang clothing line. Naisip ko, saying ang two years, naglokohan lang ba kami? “Mukhang okay ka naman.” Hindi na ako sumagot. Sa kape pa lang na hawak ko, alam kong hindi ako okay. “Kausapin mo kaya siya,” mungkahi niya. “Hindi ako desperado.” “Sige na nga. Magpalamig ka na lang muna,” sabi ni Joyce sabay kuha sa tasa ng kape ko. “Magpalamig?” Paano ko gagawin ‘yon? “Oo.” “Joyce,” may naisip na ako. “Let’s go to Baguio”
Isang linggo. Pinayagan ako ng mahal kong ama na magstay sa Baguio for one week. Ang kaso, kasama si Kuya. Para may bantay daw ako. Pwede na rin. May bahay sa Baguio ang family ni Joyce. Doon nakatira ‘yung Aunt Maria niya. Dala ni Kuya ang kaniyang X-Trail. Siya na rin ang driver namin. Four years na rin since I went to Baguio. Sa last two years, kasama ko si Victor. Narealize ko, miss ko na rin siya.
Six o’clock nasa NLEX na kami. Six hours pa kami sa kalsada. Sigurado ako. Kilala ko magdrive ang aking dear brother. Mas matanda sa akin si Kuya July ng three years. Gayunpaman, close kami dahil dalawa lang kaming magkapatid. Twenty-five na siya kaso never pang nagka-girlfriend. Masyadong mapili. Ito namang si Joyce, kasing edad ko lang. Once, she had this boyfriend. Noong fourth year high school kami. Kaso, hindi na ulit nagpakita after the graduation. Ngayon ko lang naisip, bagay pala sila ni Kuya. Eleven years, pero bakit ngayon ko lang napansin? “Dina, anong iniisip mo d’yan? Kanina ka pa tahimik.” Puna ni Joyce. “Si Victor.” Sagot ng magaling kong Kuya. “Gusto mong pag-usapan natin siya?” tanong ni Joyce. “Para pagdating mo sa Baguio, kalilimutan na natin ‘yang ex-boyfriend mo.” “Sige,” sagot ko. Baka makatulong. “Wala ba kayong pinag-awayan bago ang break-up?” tanong ng Kuya ko. “Wow Kuya, may advice ka ba? Sa pagkakaalam ko, never ka pang pumasok sa isang relationship.” “Dina,” biglang sabi ni Joyce. “Iniiba mo lang ‘yung usapan. Nag-away ba talaga kayo?” “Hindi.” “Wala ka bang maisip na dahilan?” “Wala.” “May nangyari na ba sa inyo?” “Ano?” Ano ba namang tanong ‘yan. “Wala!” “Nagpropose ba siya sa ‘yo tapos tinggihan mo?” “Hindi.” Ano ba talaga ang dahilan?” “Wala.” “Minahal ka niya ng marami siyang dahilan. Tapos mawawala na lang. Parang imposible.” “Posible ‘yun. Nangyari na nga e.” “Pero mahal mo pa rin siya?” “Oo naman.”
Ayon nga sa aking kalkulasyon, tanghali ay nasa Baguio na kami. Sinalubong kami ng tiya ni Joyce at pinakain. Pagkatapos ay nagpunta kami sa aming mga kuwarto para magpahinga. Sa ikalawang palapag ng bahay matatagpuan ang silid namin. Magkasama kami ni Joyce sa malaking kuwarto na may dalawang kama. Si Kuya naman ay nasa katabing silid lang. Kinabukasan pa naming balak mamasyal at umikot sa Baguio. Inayos ko lang ang gamit ko, nagpalit ng damit at natulog. Nakahanda na ang hapunan ng magising ako. Nasa hapag na sila Kuya at Joyce pagbaba ko. May background na CD ni Nina. Habang kumakain kami, bigla na lang tumawa si Joyce. “Dina, pakinggan mo.” Someday, someone’s gonna love me The way I wanted you to need me “Pwede ba?” ‘Yun na lang ang nasabi ko. “Dina,” sabi ni Joyce. “Someday, you’ll get over him.” “Kailan pa ‘yun? Bukas? Next week? Joyce, do you know how soon someday is?”
DAY 1
Ayon sa relong regalo ni Victor noong ikadalalawampu’t isang kaarawan ko, ikasiyam ng umaga ay handa na kaming umalis. Mamimili kami ng sangkap at pagkain sa palengke para sa buong lingo. Tinanggal ko agad ang relo noong naalala ko kung kanin ‘yungaling. May pinahiram na mapa si Tita Maria para madali ang biyahe namin. Si Kuya ang driver, si Joyce ang navigator, ako, walang imik na passenger. Dumating kami sa pamilihan pagkalipas ng sampung minuto. Sa paligid pa lang ay marami nang tao. Parang ayaw ko nang bumaba ng sasakyan. “Let’s go,” sabi ni Kuya. Nauna siyang bumaba tapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Sunod ay si Joyce. Gawain na niya ito simula nang makuha niya ang lisensya niya. Inuna namin ang pagbili ng gulay. Sinunod namin ‘yung mga sangkap. Pagdating sa bilihan ng karne, may bagay na sumorpresa sa akin. Nasa tindahan kami ng longganisa nang may nagsalita sa likod ko. “Excuse me, Dina?” Paglingon ko ay may nakita akong lalaking may hawak na dalawang plastic bag at mga bulaklak. “Mateo, ikaw ba ‘yan?” Kuya ko ‘yung nagtanong. “Hulyo, Matthew ang pangalan ko.” Matthew? Naalala ko na. Si Kuya Matt ay anak ng mga kaibigan ng parents namin. Sa Baguio sila nakatira at mayroon silang pinauupahang bahay. Tuwing pupnta kami ng Baguio, sa kanila kami tumutuloy. Bata pa lang ay magkakilala na kami kaya malapit na ang loob namin sa isa’t isa. Parang magkapamilya na rin kami. Bumalik sa akin ang mga alaala. Tila kahapon lang angmga nangyari apat na taon nang lumipas. Huling gabi noon ng dalawang linggong bakasyon namin sa Baguio. Ang mga magulang ko at ni Kuya Matt ay pumunta sa isang kaibigan. Si Kuya July naman ay dalawang oras nang hindi lumalabas sa kuwarto niya. Dalawa lang kami ni Kuya Matt sa living room. “Kuya Matt, bumoto ka ba last elections?” tanong ko. Katatapos lang kasi noon ng ikalabingwalo kong kaarawan kaya naisip ko ang pagiging botante. “Ilang beses ko nang sinabing Matthew na lang e. isang taon lang naman ang tanda ko sa’yo.” “Kahit na. Mas matanda ka pa rin.” “Ayokong parang kapatid ang turing mo sa ‘kin.” Masyadong seryoso ang tono ng pananalita niya. “Anong ibig mong sabihin?” tumayo siya at tumingin ng diretso sa akin. “I’ve fallen in love with you.” Tumawa lang ako. Alam ko namang may nagmamay-ari na ng puso niya. “Dina, seryoso ako.” “Kuya Matt, tigilan mo nga ako.” “Hindi, hangga’t hindi ka naniniwala.” Seryoso nga siya. “Kuya Matt, you have a girlfriend.” “I know—but I can’t help it Dina—“ “Matutulog na ako.” Hindi ako nakatulog kaiisip sa mga sinabi niya. Kinabukasan, hindi ko na siya nakita. “Dina,” tawag ng kasalukuyang Matthew. Parang bigla akong nagising mula sa mahabang panaginip. Bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko na naman si Victor… “Hi, Matthew,” bati ko habang umiiwas sa mga mata niya. “Hey, daan muna kayo sa bahay. Maaga pa naman,” anyaya niya. “Sure,” mabilis na sagot ng Kuya ko. “Pahiram ng susi ng sasakyan,” sabi ko. “Uuwi na kami ni Joyce, I mean babalik na kami sa kay Tita Maria. Ikaw na lang ang sumama.” “Anong problema?” tanong ni Kuya. “Sige, ihahatid ko na lang si Hulyo, sabi ni Matthew. Naintindihan niya pala ako. Mabuti naman. “Lisensya?” tanong ni Kuya habang inaabot ang susi. “Don’t worry dear brother, ako pa.
Pag-uwi sa bahay, tinulungan namin ni Joyce si Tita Maria sa mga gawain. Pagkatapos ay sinabi ko na rin sa kaniya nag mga nantgyari apayt na taon na ang lumipas. “Kaya pala ganoon na lang siya sa ‘yo,’ puna ni Joyce pagkatapos kong magkuwento. “Ayaw mo ba sa kaniya?’ “May girlfriend siya.” “Kung wala?” “Hindi ko alam. Naguguluhan ako.” “Dina, baka ito na ang oras para kalimutan si Victor.” “Hindi ko pa kaya.” “Sasayangin mo ang pagkakataon." “Masakit kasing isipin na ganoon na lang matatapos ang lahat.” “Pumayag kang ganoon na lang matapos ang lahat."
DAY 2
“Burnham Park tayo ngayon.” Nasa mesa kami at kumakain ng almusal. Si Kuya July ang tinanong ko kung saan kami pupunta. Hindi niya nabanggit si Matthew. Sa tingin ko ay nagkausap na sila pero parang hindi niya naman alam ang nangyari four years ago. “Doon tayo maglunch,” mungkahi ni Joyce. “Stay tayo hanggang five,” dagdag ni Kuya. “Okay.” Ikawalo pa lang ng umaga. Tanghali pa kami aalis. Napag-isipan naming manood muna ng pelikula. May dalang DVD si Kuya. Maya-maya lang ay may narinig kaming tao sa gate. “Ako na lang,” sabi ko. Ako naman ang pinakamalapit sa pinto. Lumabas ako at binuksan ang gate. Nang Makita ko ang bisita, ginusto kong isara na lang ulit ang tarangkahan. Hindi ko nagawa. “Good morning,” bati ni Matthew. “Bakit ka nandito?” nakayuko kong tanong. Bigla siyang tumawa. Kunot-noo kaong tumingin sa kaniya. “Pwede bang kalimutan mo muna ang lahat?” pakiusap niya. “Gusto ko namang makasama kayo. Tulad ng dati. Pwede ba?” ngumiti ako at sumagot. “Oo naman.” “Mateo!” tawag ni Kuya. “Napadaan ka.” “Walang magawa e.” “Gusto mong sumama?” “Saan?” “Sa Burnham Park.” “Sige.”
Tatlumpung minuto pagkalipas ng ikalabindalawa ng tanghali, dumating kami sa Burnham Park. Katulad ng inaasahan, maraming tao. Ganunpaman, mabilis kaming nakahanap ng lugar. Inilatag namin ang banig na ipinahiram ni Tita Maria at pagkatapos ay naghanda ng tanghalian. Pagkakain ay nagbatuhan na sila ng kwento. Hindi ko na binalak sumali. Naupo lang ako sa isang tabi at nanuod sa mga batang kumakain ng mais sa kalapitan. Tila ayaw nang gumalaw ng katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. “Dina, mag-ikot naman tayo,” anyaya ni Joyce. “Ayaw ko.” “Okay ka lang?” “Oo naman.” “Sama ako,” sabi ni Kuya. “Matt, pakisamahan na lang si Dina.” Ano? Kailan pa nagging closo itong si Kuya kay Joyce? At maiiwan akong kasama ang taong may gusto sa ‘kin? “Kuya,” pag-uusisa ko. “Iiwan mo ako?” “Gusto ko ring mag-ikot,” sagot niya. “Ayaw mo naman.’ “Kasama si Joyce?” “Ano naman?” “Wala.” Sige na nga. Hindi naman ako sasama. Bahala na lang sila. Umalis na sila. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko. Maya-maya ay narinig kong tumayo si Matt. Pagtingin ko ay bumibili siya ng mais. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isa. Wala siyang sinabi. Ngumiti lang siya at bumalik sa puwesto niya kanina. Tahimik kaming kumain. Hindi ko na pinansin ang oras. Gaano man kabagal o kabilis, wala na akong pakialam. Nandito ako sa Baguio para makalimot—oo, makalimot—pero hindi para maghanap ng iba.
DAY 3
Hindi maganda ang panahon. Umaambon at mahangin. Napagpasyahan naming bukas na lang ituloy ang paglalakbay. Pagkatapos mag-almusal ay bumalik agad ako sa aking silid. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Muni-muni na lang muna. Malapit na akong maging lisensyading doktor pero hindi ko mapabuti ang kalagayan ko. Siguro nga hindi ko pa kayang makalimutan si Victor. Baling araw, magagawa ko rin ‘yun. Matagal ko ring suot ang headset na connected sa Ipod ko. Hindi ko alam kung anong oras na nang pumasok si Joyce sa kuwarto. “Hey,” tawag niya. “Lunch.” “I don’t want to eat.” “Matt is joining us. You would not want to look like you’re keeping yourself away from him.” “Fine.” Sabay na kaming bumaba. Pagdating sa hapag ay nakita ko si Kuya July at Matthew. Bumati sila ngunit ngit lang ang ibinalik ko. Kahit papaano ay nakasabay naman ako sa pag-uusap. Buhay pa naman ang pag-iisip ko. Pagkalipas ng dalawang oras, nagpaalam na rin si Matthew. Itutuloy ko na sana ang sound trip ko sa silid subalit sumunod si Joyce at nagsimulang magtanong. “Okay lang ako,” sagot ko nang tinanong niya kung kumusta na ako. “Nag-iisip lang.” “Kaya mo ‘yan” “Oo naman, ako pa.” “Nandiyan naman kasi si Matt.” “Apat na taon na ang lumipas, imposibleng may gusto pa rin siya sa ‘kin.” “Matalino, mabait at good-looking. Ano pang hahanapin mo? Obvious namang gusto ka pa rin niya.” “Ikaw yata ang may gusto d’yan kay Matt.” “Walang interes,” simple niyang sagot. “Ako rin.” “Talaga?” “Honestly, interesado na ako sa kaniya dati.” Napangiti si Joyce nang sinabi ko it6o. “pero hanggang doon lang ‘yun. Parang kapatid kasi ang tingin ko sa kaniya.” “Nothing more?” “Nang umamin siya sa akin, alam kong natapos na ang pagiging magkapatid namin. Naisip ko kasing baka mahal ko na rin siya. Alam ko kasing may girlfriend siya noon. Marahil pinigil ko na lang ang sarili ko from completely falling in love with him,” paliwanag ko. “Nakilala ko kasi si Victor kaya nakalimutan ko na rin ang lahat.” “Victor na naman,” puna ni Joyce. “Ikaw kasi.” Kinuha ni Joyce ang cell phone niya sa bedside table nang mapansin kong may kakaiba sa kaniya. May suot siyang pulseras na ngayon ko lang nakita. “Hey,” tawag ko. “Saan mo nakuha ‘yang bracelet?” ngayon ko lang ‘yan nakita a.” “Secret,” maikli niyang sagot. “So ganoon? Naguguluhan na nga ‘yung tao tapos may secret-secret ka pa dyan.” “Ganoon talaga.” “Sige na,” pangungulit ko. Lumipat siyta sa tabi ko. Hindi siya nakatingin sa akin nang magsalita siya. “Heartbroken ka kasi kaya hindi namin sinabi sa’yo.” Naguluhan ako. Nagpayuloy siya. “Binigay sa akin ‘to ni July kahapon. Mayroon din siya, hindi mo napansin?” Tiningnan ko lang siya. Ganoon pala. “Three months din siyang nanligaw. Actually, sinagot ko siya noong araw na nagbreak kayo ni Victor. Kaya hindi ko muna sinabi, hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari.” “Bakit hindi mo sinabi sa akin noong naliligaw pa lang siya?” “Sinabi ko sa’yong may nanliligaw sa akin, pero hindi ko sinabi kung sino.” “Grabe,” inaabsorb ko pa ang mga sinabi niya. “Imagine, ikaw ang unang nagustuhan ng Kuya ko.” “Ayos nga ‘yun. Ako ang una’t huli sa puso niya.” Una’t huli. Alam ko na kung bakit ako nagkakaganito. Pumasok ako sa isang bagay na inakala kong panghabambuhay. Nagkamali ako. Siguro nga may mga bagay na kailangang matapos. Siguro.
DAY 4
Inakala ko na dahil alam ko na ang relasyon nina Kuya at Joyce, mag-iiba na ang mga bagay-bagay. Pero buti na lang dahil walang nagbago. Napakasuwerte ko talaga sa dalawang ito. Alas-diyes ay nas Botanical Garden na kami. Doon kami nagkita-kita nila matt. Nag-ikot kami at kumuha ng mga larawan. Mas masaya na ang kwentuhan dahil magaan na ang pakiramdam ko. Naiisip ko pa rin si Victor pero mas madali nang ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Maliban kay Matthew. Dumaan kami sa The Mansion upang kumuha ng dagdag na larawan tapos ay dumiretso na sa Wright Park. Namili kami ng mga gamit at pasalubong. Sunod ay napagpasiyahan na naming kumain. Nagdala si Matt ng pagkain, gusto raw niyang magluto para sa amin. Masarap talaga siyang magluto, teenagers pa lang kami. Mas magaling pa siya sa akin. Pagkakain ay sa Minesview park naman kami nagtungo. Maraming tao ang sumalubong sa amin. Tuloy lang ang picture-taking. Pagbalik sa bahay, pagod kaming lahat. Pagkatapos ng labing-isang araw, nakatulog na ulit ako ng mahimbing.
DAY 5
Napagkasunduan naming ienjoy na lang ang lamig ng Baguio. Siguradong mainit sa Manila pagbalik namin. Tanghali na kami nagising dahil sa sobrang pagod. Brunch na ang inhanda ni Tita Maria. Napakabait niya talaga. Masaya pang kakwentuhan. Nakapagtataka tuloy kung bakit dalaga pa rin siya. “Tita, bakit single ka pa rin?” tanong ni Kuya. Pareho lang pala kami ng iniisip. “Mabait na kayo, maganda pa.” “Nambola ka pa d’yan,” sagot ni Tita Maria. “Single pa rin ako kasi gusto ko.” “Bakit po?” tanong ko naman. “Kaya ko namang mag-isa. At isa pa, masyadong magulo ‘yang pag-ibig na ‘yan kaya kayo, mag-ingat. Pag-isipan niyo kung nao ba ang makabubuti sa lahat.”
Katatapos lang naming maghapunan nang may sasakyang huminto sa tapat ng gate. Sinalubong ni Kuya ang bisita. Pagbalik ay kasama niya si Matt na may dalang dalawang basket of roses. Ang isa ay may lamang mga puting bulaklak, habang ang isa naman ay mayroong mga pulang rosas. Iniabot niya ang white roses kay Tita Maria at nagpasalamat sa mainit na pagtanggap nito sa kaniya tuwing napadadaan siya. “Kumain ka na ba?” tanong ni Tita. “Opo. Tapos na po.” “Salamat ha. Sige, may tatapusin pa ko sa kusina.” “Tita, tutulungan na kita,” sabi ni Joyce at sumunod. “Ah, Mateo. Sandali lang, ha. May nakalimutan pala akong gawin sa taas,” sabi ni Kuya sabay akyat sa silid niya. Sinadya ba nilang iwanan kami ni Matt o naisip ko lang ‘yun? Pagtingin ko kay Matt ay nakangiti siya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang isa pang basket. Nagpasalamat ako at pinaupo siya sa tapat ko. “Gusto ko talagang makausap ka,” sabi niya. Iba na ang naramdaman ko. Parang alam ko na ang sasabihin niya. Nakapagtataka dahil hindi tulad ng dati na ayaw kong pag-usapan ang bagay na ‘yon, gusto ko nang marinig ang sasabihin niya ngayon. “B-Bakit?”tanong ko. “’Yung bagay na sinabi ko sa ‘yo four years ago—totoo ‘yun, hanggang ngayon.” Possible bang mangyari iyon? “nakipaghiwalay ako kay Cristine noong araw na umalis kayo,” pagpapatuloy niya. “Kahit hindi ko alam kung naong nararamdaman mo para sa akin.” Hindi na muna ako magsasalita. “Nakakatawa nga e. sa totoo lang, inakala ko na ikaw ang may gusto sa akin. Pakiramdam ko noon, may ibang gusting sabihin ang mga mata mo kapag kausap kita. May iba sa ngiti mo. Parang ang saya-saya mo kapag magkasama tayo. I didn’t know I was the one falling.” Hindi ko na alam kung anong iisipin ko nang maalala ko na naman si Victor. “Umasa pa rin ako kahit nagwalk-out ka noong gabing ‘yon, kahit hindi na ulit kita nakita kinabukasan.” “Bakit sa loob ng four years,” tanong ko. “Hindi mo ako tinangkang hanapin at tanungin? Kung mahal mo ako, sinundan mo ako at siniguro kung nao ba talaga ang nararamdaman ko. Umasa ka pero bakit wala kang ginawa?” hindi ako sigurado sa nararamdaman ko subalit gusto ko siyang sisihin. Oo, minahal ko nga siya noon. Kung sinubukan niyang makasama ako, hindi mawawala ang pagmamahal na iyon. Hindi ko mamahalin si Victor. Kung mahal niya kaoat sinabi niya sa akin ‘yun nang Malaya na siya, hindi na sana ako nasaktan. Wala na sana ako dito sa Baguio para makalimot. Masaya sana ako ngayon. Bakit hindi niya nagawa? “Naisip ko na nahulog ako sa’yo habang kasama ko si Cristine,” sagot niya. “Hindi na tamang maghanap pa ako ng magmamahal sa akin. Natakot akong makasakit muli.” Tumayo siya at malayong ibinato ang oaningin sa labas ng bintana. Nanatili ako sa puwesto ko. “Bakit ka nandito?” tanong ko. “Bakit pa tayo nag-uusap?” “Mahirap ba talagang makalimot?” bigla ko lang naisip na itanong. “Hindi ganoon kadali—lalo na ang kalimutan ka. Parang imposible,” harapan niyang sagot. Nakabibinging katahimikan. “I just want to say goodbye,” nagsalita na rin si Matt. “I’m going to Los Angeles. I’ll be staying there for good.” What!? “A-A-An-Bak-B—“ “Goodbye, Dina.” Ngumiti siya at lumabas ng pinto. Hindi ako makagalaw. Totoo ba ang lahat ng narinig ko? Matthew… Pitong taon ako nung una kaming nagkita. Dahil bata pa lang kami, hindi na namin inintindi kung sino ang isa’t isa. Naglaro lang kami ng naglaro. Nag-mini concert pa kami sa Burnham Park eight years ago. Tumutugtog lang kami nila Kuya at Matt nang magsimulang manood ang ibang tao. Nakatutuwa ang karanasang iyon. Hindi nagtagal, nagging interesado na ako sa kaniya. Anmg kaso, hindi mabago ang pagiging magkapatid namin. Escort ko si Matt noong debut ko. Hindi ko makalimutan ang reaksyon ng mga tao nang makit siya. Perfect daw siyang escort ng debutant. Pumasok pa sa isip ko ang nangyari four years ago. Matthew. … !? Nakuha ko na rin ang lakas na tumayo. Hindi ko na inisip kung bakit pero dali-daling akong lumabas ng bahay. Nakita ko si Matt na palabas ng gate. “Matthew!” Lumingon siya. “Oo nga pala,” sabi niya. “bumot ako noong 1998. at lahat ng binoto ko ay nanalo.” Pagkasabi niya nito ay tumuloy siya sa paglakad. “Ang tanga mo kasi!” sigaw ko. Tuloy pa rin siya. “Kung sinundan mo lang ako…” ano ba? Bakit ayaw mong lumingon? “Babalik ka naman ‘di ba?” May luha na sa mga pisngi ko. Binubuksan na niya ang gate, sa labas nakaparada ang kotse niya. Pinipigilan ko man ay napahikbi ako. Huminto siya. “Maghihintay ako… hihintayin kita…” Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit ako nandoon sa mga oras na iyon. At hindi ko alam kung bakit ko sinabing maghihintay ako. Kahit ano pa iyon, parang hindi pa ako handing malaman. “Babalik ako, Dina,” sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. “Kapag malaya na ang isip mo, kapag wala nang pag-aalinlangan sa puso mo, kapag wala na akong kahati sa ‘yo—babalikan kita.”
DAY 6
Hindi ako nakatulog subalit wala na ring luhang dumampi sa mukha ko noong gabing iyon. Puno ang utak ko nang kung anu-ano. Pumunta ulit sila Kuya sa palengke. Isinama na nila si Tita upang makapamili ng mas maayos, hindi tulad noong kaming tatlo lang. Nagpaiwan na lang ako. Ambigat ang pakiramdam ko. Sa pag-asang mawala lahat ng iniisip ko, nagpatugtog ako ng DVD with maximum volume. The Beatles lang ang alam ko sa mga DVD ni Tita Maria. Naglinis ako ng bahay, naglaba ng mga damit at nag-ayos ng mga gamit. Naligo na rin ako. Kabibihis ko pa lang nang may narinig akong kumakatok sa pinto. Sila Kuya. Hindi, hindi ko narinig ang sasakyan. Hindi kaya… Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at tumakbo papunta sa pinto. Nang Makita ko kung sino ang bisita, tila bumaliktad ang mundo ko. “Victor…” Bigla niya akong niyakap. “Dina, I’m really sorry.” Nanlambot ang mga tuhod ko. Totoo ba ito? Binitawan niya ako at tumingin sa kaing mga mata. “Bakit ka nandito?” tanong ko. “Let me explain, Dina. Please.” Sobrang gulo na ng utak ko. Gayunpaman, pinatuloy ko si Victor. Sana maayos na ang lahat ng ito. Naalala ko pa ang huli naming pag-uusap labintatlong araw na ang nakalipas. Sinundo niya ako sa school, as usual. Noon pa lang napansin kong may gumugulo sa isip niya. Tahimik kaming kumain ng dinner. “Is there something wrong?” tanong ko. Half-American si Victor pero nakaiintindi siya ng Filipino. “Mukhang problemado ka.” “I’m good. Don’t worry.” “Sure?” “Dina,” parang may sasabihin siyang importante. “Can’t you just give me some space?” “What are you talking about?” “We’ve been like this for two years and I’m tired of it. I want to see what’s out there,” “Hello Victor.. ang lawak-lawak ng Pilipinas. Gawin mo kung anong gusto mo. Nandito lang naman ako.” “That’s my point. Nandiyan ka lang.” “Ano?” “I think I don’t love you anymore.” Speechless. “I want to do thing on my own now,” sabi niya. “I’m really sorry.” “That’s it?” nanghihina kong tanong. “After two years, ganoon na lang?” “Forgive me.” Hindi ko na kinaya. Walk-out. Pagdating sa bahay, paghiga sa kama, noon bumuhos ang luha at labis na kalungkutan. … balik sa kasalukuyan. “Bakit ka nandito?” tanong ko ulit pagkaupo namin. “I want you back.” Minsan nakakatawa ang kaprangkahan nitong si Victor. Madalas nakakainis. Parang ngayon. “Akala ko ba hindi mo na ako mahal?” “I was wrong,” sagot niya. Simula na ng paliwanagan. “Very.” Ano ba ang dapat kong maramdaman? Nakipaghiwalay siya tapos biglang babalik. Pero gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin. Pero parang ayaw ko rin. Hihintayin ko si Matt, ‘di ba? Ano ba ang dapat kong maramdaman? “I had the best years of my life with you. I just hope that it isn’t too late to tell you that.” Ano ba ang dapat kong maramdaman? “Breaking up with you was the biggest mistake I’ve ever done in my life.” Kung iba ang nasa lugar ko, mararamdaman niya rin ang sinseridad ni Victor. Ano ba ang dapat kong maramdaman? May kinuha siya sa bulsa. Lumapit siya sa akin at lumuhod. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. “I still love you, Dina and I’ll always feel the same.” Isang patak ng luha ang gumulong sa pisngi ko. “Please marry me.” Ano ba ang nararamdaman ko? Isang diamond ring ang tumambad sa aking mga mata. Tila isa itong bituin na sinungkit sa langit. Ano ba ang nararamdaman ko? Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang nangingilid sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Ano ba ang nararamdaman ko? Ninais kong makasama ulit si Victor. Pinangarap ko na rin ang eksenang ito. Pero bakit ganito? Ano ba ang nararamdaman ko? “Victor…” Hikbi. “Please stop crying.” “I’m sorry.” Hikbi pa. “I can’t—I can not marry you.” Nabitawan o binitawan—hindi ko alan. Basta nakawala ang kamay ko sa kaniya. “Can you tell me why?” “I’m waiting for someone else.” Wala nang dahilan para magsinungaling pa—kahit sa sarili. Tumayo siya at ngumiti. Tumyo rin ako at niyakap ang lalaking nagging malaking bahagi ng buhay ko. Tumigil na rin ang pagluha ko. “I’m really sorry, Dina,” sabi niya ulit. “You don’t have to be.” “Thanks for everything.” “Salamat din.” ”Well… I think it’s goodbye.” “Yeah…” “Goodbye, Dina.” “’Bye Victor.’ Naisip ko, hindi naman pala nasayang ang dalawang taon.
DAY 7
Nangako kami kay Tita Mari na babalik kami. Maaga kaming umalis pa-Maynila. Paalam na sa masamang alaala. Paalam na sa Baguio. Hanggang sa muling pagkikita.
FIVE YEARS LATER…
May 2007. Ang daming nangyari.
Noong isang buwan lang, napanood ko na naman si Victor. Top model na siya ngayon. Magkaibigan pa rin kami. Engaged na sina Kuya July at Joyce. Limang taon na sila pero next year pa nila balak magpakasal. Kasama siJoyce sa Top Ten noong Bar Examinations. Si Kuya naman, executive na ng isang bangko. Isang taon pagkatapos ng bakasyon namin sa Baguio, binalikan namin si Tita Maria. Inabutan namin ang isang manliligaw. Magkasama na silang nabubuhay ngayon.
Lunch break ko. Katatapos lang ng tatlumpung check-up. Dahil sanay na, hindi pa pagod ang katawan ko. Nakakainis lang dahil kasabay ko na naman si Joseph, kasamahan kong doctor ding apat na taon nang nangungulit. Ilang beses ko nang sinabing iba na lang ang ligawan niya pero ayaw papigil. Basta ako, may hinihintay. Ang tanda ko na pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako naghihintay. Sa loob ng limang taon, walang komunikasyon sa pagitan namin ni Matthew. Maaaring malaki na ang ipinagbago niya. Pwede ngang may pamilya na siya dun sa Los Angeles. Siguro kung babalik siya, doon ko malalaman ang lahat ng sagot. Isang laboratory report agad ang hawak ko pagkakain. Medyo maluwag na ang hapon ko, tamang-tama para pag-aralan ang mga record. “Hey,” tawag ng isang boses. “Bakit?” tanong ko, nakatingin pa rin sa report. Narinig kong papalapit siya kaya lumingon ako. Si Matthew. “Hi, Dr. Dina.” Tumayo ako at tumakbo palapit sa kaniya. “Kumusta na?” tanong niya. Niyakap ko siya ng mahigpit. “You’re back,” sabi ko nang bumitaw ako sa pagkakayakap. “Sinabi ko naman sa ‘yo,” sagot niya ng may ngiti. “Kaso napaaga yata ako. Hindi ko pa rin maririnig ang hinihintay ko.” Niyakap ko siyang muli. “I’m sorry.” “It’s okay. I’m willing to wait.” Nilapat niya nag kaniyang labi sa aking pisngi. “Mahal kita pero hindi mo pa kailangang sabihing mahal mo rin ako. The good thing is we’re together right now.” “Salamat.”
dreaming on.... 4:01 AM
HEY THERE
*yawn*
hi, my name's Donna Kay.
15, in fourth year, mascian, ssg vp.
.generosity.thales.burbank.franklin.
and i love sleeping.
Do you watch KYLE XY?
In one episode, Kyle said, "When we're sleeping, the subconscious mind takes over."