Oh, yeah. Sorry I can't entertain you at the moment.
I knew you'd visit, though, so I posted something.
Just click on the words to navigate.
Thanks. Maybe you can come back when I'm awake.
Saturday, March 1, 2008
heto na naman ako pagkalipas ng tila walang hanggan.. bagaman ang isang kwentong narito ay hindi pa tapos magkukwento lang muna ako tungkol sa mga kaganapan nitong huling linggo..
simulan natin noong biyernes, pebrero 22 (prom)
masaya ba? ewan ko. siguro. hindi ko talaga masabi. ganito kasi yan... wala talaga akong balak magkaprom date. pero nung bago matapos yung araw ng turnover, may isang tao na gumugulo sa isip ko. hehe.
so dumating 'yung araw ng prom. grabe. ang daming pagbabago. mula sa sarili. kahit yata sa damdamin. ewan. kasi hindi ko maitatangging i was somehow affected by the little fact that i was able hold the MC's hand. sa tatlong taon na minahal ko 'yung tao, noon lang 'yun nangyari, tapos inutusan lang naman siyang gawin 'yun. haay, ang babaw nga siguro, pero it meant a lot to me. hindi ko pa rin siya nakausap, o nakasayaw. ang saklap. hanggang doon na lang ang lahat.
tapos, eto na 'yung taong dahilan ng kalituhan. ganunpaman, may nililigawan na rin siya. nagkabati nga sila noong prom e. gusto ko pa naman siyang prom date. gusto ko siyang first and last dance. mas malala, bakit parang gusto ko na talaga siya? sino man siya.. secret.. walang clue.. haha..
pero.. ano ba talaga? paano na ung MC na pinagbuhusan ko ng pagmamahal sa loob ng halos tatlong taon? hahayaan ko na lang bang mawala 'yung damdamin? upang mapalitan ng panibagong sakit na dulot ng kaibigang sampung buwan ko pa lang nakikilala?
baliw na nga siguro ako. haay...
anyway, masaya namang kasama 'yung mga kamag-aral at kaibigan ko. grabe ang burbank, hanggang sa sayawan ba naman ay nagkakaisa. grabe. mahal ko kayong lahat.
sabado hanggang lunes, pebrero 23-25
napakahabang weekend.. hindi ko pa rin lubos na maisip 'yung mga nangyari noong prom.
isip lang ng isip. kahit magsulat hindi ko magawa ng matino.
martes, pebrero 26
balik sa klase, balik sa magulong buhay. haha.
chem- hindi ko alam bakit hindi ko magawang makapagfocus sa subject na ito. hindi ko magawang makinig at makaintindi. ma'am de paula, pasensya na po talaga. susubukan kong mag-aral.
math- review ng nasa sahig. ok lang. may natutnan kahit papaano.
journalism- haay.. decision-making. sinong mananatili at sinong aalis. magpapatuloy sana ako, kung hindi dahil sa parlia, na uubos ng oras ko sa susunod na panuruang taon. sports editor na sana, hindi na lang basta staffer. next year, back to zero.. good luck.
pnoy- grabe. maraming salamat at wala siya.
lunch..
abr- challenging subject. kailangang pigilan ang sarili sa pagtulog. buti na lang sila krister, joyce at erchelle ang katabi ko. kahit papaano ay gising ako nang matapos ang period..
mapeh- preview ng FAT. as in.
trigo- wala ulit kaya,
tekray- mas maaga. claim and adjustment letter. okay..
whattaday..
miyerkules, pebrero 27
ikalabinlimang kaarawan ko. haha. kaunti lang talaga ang nakaaalam. madalas nakalilimutan. ayos lang.
unang araw ng FAT. english at pnoy. kailangan bang mag-aral? class pic. ang tagal bago magsimula, ang bilis namang natapos. tapos, wala ng gagawin.
kaya binalak kong muling tipunin ang voltes five. pero bago 'yan, sinimulan na namin ang aming physics project. tapos may munting bagay na naganap.
dumating si sir victorio para kuhanin 'yung listahan ng mga nagwagi sa nakaraang prom. sabi ko isusunod ko na lang. tapos dumating 'yung MC. inutusan yata siya para sabihin sa akin 'yung mga pangalan. parang pagkatapos ng napakahabang panahon, nagkausap ulit kami. ang kaso, tungkol lang dun sa winners. pakiramdam ko naman napilitan lang talaga siyang gawin 'yun. ... moment pa rin. hehe. ang babaw.
so yun.. malas lang talaga.. may case study kasi 'yung dalawa sa voltes five. tapos nadelay pa 'yung class pic ng linnae. tapos cancelled. tapos kailangang umuwi ng maaga ni xy. pero masaya. kasi kahit sandali nakumpleto kami. ilang minuto rin yun. grabe.
kirstie, tasha, xyra at oliver, salamat talaga. mahal ko kayong lahat. sobra.
tapos 'yun.. natapos ang birthday ko. ayos na rin kasi may chocolate cake sa bahay namin pag-uwi.
huwebes, pebrero 28
test pa rin. chem, social at mapeh.
umuwi ako ng maaga. hindi ko na masyado maalala.
biyernes, pebrero 29
ang hirap nung geom. buti na lang at walang journ.
nagpunta ako kila JAEL para gawin ang p6 project. ang saya. kwentuhan. may bago silang nalaman. haha. tapos kain sa tapsilugan. ang sarap dun ah, tapos mura pa..
tapos, habol sa ssg meeting. kapagod. 'yun. hindi na ako tatakbong president. mahabang kwento. magkaalaman na lang sa halalan.
nakalimutan ko na 'yung iba. pero ang haba ng linggong ito.
salamat sa pagbasa, hanggang sa muli.
dreaming on.... 3:33 AM
HEY THERE
*yawn*
hi, my name's Donna Kay.
15, in fourth year, mascian, ssg vp.
.generosity.thales.burbank.franklin.
and i love sleeping.
Do you watch KYLE XY?
In one episode, Kyle said, "When we're sleeping, the subconscious mind takes over."