Oh, yeah. Sorry I can't entertain you at the moment.
I knew you'd visit, though, so I posted something.
Just click on the words to navigate.
Thanks. Maybe you can come back when I'm awake.
Thursday, February 14, 2008
Sulat lang. Ilang beses ko nang sinabi ito sa sarili ko. Ganunpaman, walang panahon. O marahil ay hindi ko lamang nagagamit ang pagkakataon. Gusto kong magsulat. Hindi ko lang alam kung bakit kung kailan hawak ko na ang lapis at nakabukas na ang notebook, hindi ako makapagsulat.
Sulat lang. Sobrang dami ng gagawin. Napakaraming abala. Subalit hindi iyon sapat na dahilan. Walang katanggap-tanggap na rason ang magpapaliwanag kung bakit hindi ako makapagsulat. Kasi gusto kong magsulat. Gustung-gusto ko.
Sulat lang. Kung tutuusin, libu-libong istorya, libu-libong ideya, at libu-libong bagay ang nasa isip ko ngayon. Gusto ko silang isulat lahat. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Kahit pa gusto kong magsulat.
Sulat lang. Madaming oras na ang nasayang. Ilang kwento at kaisipan na ang nakawala. Hindi ko man magawang magsulat, hindi ko rin magawang huminto. Dahil gusto kong magsulat.
Sulat lang. Siguro nga kahit walang oras, kahit subukan kong tumigil sa pagsusulat, sa huli'y wala akong magagawa kundi sumulat. Kasi gusto ko.
dreaming on.... 5:15 AM
HEY THERE
*yawn*
hi, my name's Donna Kay.
15, in fourth year, mascian, ssg vp.
.generosity.thales.burbank.franklin.
and i love sleeping.
Do you watch KYLE XY?
In one episode, Kyle said, "When we're sleeping, the subconscious mind takes over."