Oh, yeah. Sorry I can't entertain you at the moment.
I knew you'd visit, though, so I posted something.
Just click on the words to navigate.
Thanks. Maybe you can come back when I'm awake.
Wednesday, November 21, 2007
sana totoo na lahat ng ito.. :D ang sarap ng pakiramdam.. haha
dreaming on.... 4:19 AM
Sunday, November 18, 2007
hindi ko alam. habang kumakapit ang mga salitang ito sa papel, hindi ko alam ang dapat maramdaman. tila wala na ang tunay na kaligayahan. siguro nga, tumatawa ako, ngumingiti, ngunit lahat ay panandalianlamang- at 'pag sinabi kong panandalian, sa kisap mata lamang ay naglalaho na. hindi ko alam. sa bawat sandali, labis na kalungkutan ang nadarama. wala akong makapitan. patuloy lang ang paglubog ko sa dagat ng pagkalumbay. kaunti na lang ay malulunod na ako at tuluyang masisira ang aking buhay. hindi ko alam. pakiramdam ko, wala nang makapapansin sa aking paglaho. wala nang tutulong. wala nang sasagip. naubos na ang hangin sa aking dibdib. nauubos na ang lakas upang lumaban. palubog na ang araw at ilang sandali na lang ay tuluyan nang magdidilim ang paligid. hindi ko alam. labis akong nahihiya. sa aking mga kaibigan, sa aking pamilya, at sa Kaniya. alam kong nariyan silang lahat upang isalba ang pagod ko nang katauhan. ganunpaman, hindi sapat ang ideya upang mapawi ang lahat ng kalungkutan. naubos na ang inspirasyon. namatay na ang pag-asa. hindi ko alam. kahit pala tuwa ay nauubos. nais kong sumigaw subalit lalamunan ko'y pagod na. matagal na ring tunigil ang pagluha, sapagkat natuyo na ang aking mga mata. hindi ko alam. wala nang nagtutulak upang ako'y magpatuloy pa. wala na ang inspirasyon. wala na ang tuwa. hindi ko alam. tanging lapis at papel na lamang bumabawas sa lungkot. kahit paano'y naiibasan ang sakit. hindi ko alam. manhid na yata ang buo kong pagkatao. hindi ko alam. tuluyan na bang namatay ang pag-asa? hindi ko alam. tuloy pa ba ang pagsulat? hindi ko alam. hindi ko alam. hindi ko alam.
dreaming on.... 12:44 AM
Monday, November 12, 2007
haha.. sa totoo lang.. isang blog ang nagbigay ng labis na kalungkutan sa akin.. ngayon ay may blog na rin ako.. pero hindi ko ito gagamitin upang masaktan ang ibang tao.. basta susulat lang ako.. susulat ng susulat.. hanggang hindi nauubos ang laman ng isipan ko.. hindi kaalaman, kung hindi kwento, tanong at ideya.. abangan.. :D
dreaming on.... 4:49 AM
HEY THERE
*yawn*
hi, my name's Donna Kay.
15, in fourth year, mascian, ssg vp.
.generosity.thales.burbank.franklin.
and i love sleeping.
Do you watch KYLE XY?
In one episode, Kyle said, "When we're sleeping, the subconscious mind takes over."