"Be willing to lose a battle in order to win the war."Wow. First post for 2009. 'Yung line d'yan sa taas, galing 'yan sa "Father's Instructions for Life" by H.J. Brown. At sa mga nakaraang araw, parang tagline na 'yan ng buhay ko.
Pasado ako sa mga kinuhanan ko ng Entrance Test- UST, DLSU, at UP. Siyempre masaya kasi sigurado nang magkacoleege ako. Pero magulo pa rin ang mga bagay-bagay.
Gusto ko talagang mag-Psychology bilang pre-Med course ko. Pero 'wag na raw ako mag-Med kasi magastos, kasi hindi practical, kasi blah, blah, blah. Kaya 'yun, puro Accountancy at Economics ang inplayan ko. Nagpatalo ako para masecure ang kinabukasan ko.
Ang masaklap pa, hindi naman talaga Med o Accountancy o Eco ang gusto ko. Pero ang bagay na 'yun, mas maraming "wag kasi.." at "sayang naman kung.." Haii. Ang laki pala ng talo ko.
At ngayon, may predicament (noun meaning.. uhm.. basta, predicament) na naman. Gusto na nilang pumasok ako ng La Salle, pero ayoko. UP lang talaga, lalo na ngayong pasado na ako. Tempting ang course ko sa La Salle, sayang talaga kapag binitawan ko, pero ayos na sigurong ipatalo ang laban na iyon-- para makapag-UP.
Buntong-hininga...
Bukod sa college life, may iba pa naman akong iniisip-- ikaw.
Wooshoo. Haha. Pero so true.
Magkikita pa kaya tayo pag-Graduate? Talaga bang hanggang dito na lang? Final answer?
Sabi ko pa naman noon, pagdating sa 'yo, hindi ako mauubusan ng dahilan. Totoo, dahil hanggang ngayon nand'yan pa rin sila. Siguro kulang pa. O nasobrahan na.
Buntong-hiniga ulit...
I know for myself that I was not mistaken when I fell for you. I know as well that I do not have the hand to draw the way things do.
I have tried this before, and I know that it's not easy. Nevertheless, I'll try to let you go. I'd rather lose you than lose myself.
Sa tingin ko kasi, makakasurvive ako kahit hindi kita kasama.